Paano natin makikilala ang Tunay na Diyos?
Ang Tunay na Diyos ay Nag-iisa at wala Siyang katambal, hindi dumarami, hindi nanganganak at hindi ipinanganak.
- Ang Tunay na Diyos Tagapaglikha at hindi Nilikha.
- Ang tunay na Diyos ay malayo sa mga pagsasalarawan ng mga nilikha at hindi Siya maaaring makita dito sa mundo.
- Ang tunay na Diyos ay walang wakas, walang kamatayan, hindi nagbabago, hindi naglalaho at hindi nagkakatawan ng kanyang mga nilikha.
- Ang tunay na Diyos ay nanatili sa Kanyang katayuan at sarili, walang pangangailangan sa Kanyang mga nilikha ay hindi Niya sila kailangan, wala Siyang Ama at Ina, walang asawa at anak, hindi Siya nangangailangan ng pagkain, inumin, hindi Siya nangangailangan ng tulong mula kanino man bagkus ang mga nilalang na nilikha ang may pangangailangan sa Kanya.
- Ang tunay na Diyos ay bukod-tangi sa Kanyang mga katangian na Siya ang Pinaka dakila, walang kapintasan at ang nagmamay-ari ng napakagandang katangian na walang maaaring tumambal at tumulad sa Kanya kahit isa man sa Kanyang mga nilikha, wala Siyang kahalintulad na kahit katiting na bagay.
Mga Palatandaan tungo sa pagkilala sa Allah:
Minsan ang isang Beduin ay tinanong: “Papaano mo makikilala ang Allah?”, Siya ay sumagot, “ang dumi ay magtuturo sayo kung nasaan ang kamelyo, ang bakas ng mga paa ay magtuturo sa iyo kung nasaan ang naglalakad, ang mga kalangitan ay may konstelasyon at ang kalupaan ay mga bakas; hindi ba’t ang lahat ng ito ay magtuturo sa iyo sa Nag-iisang Diyos na nakakaalam ng lahat? Katotohanan, ang ang mundo at ang kalawakan ay isang tanda na mayroon isang Manlilikha, na lumikha ng mga ito ng buong husay at perpekto.
Allah ang Pangalan ng Diyos:
Ang Allah ay ang pangalang pantangi ng dakilang Tagapag likha.
Ito ay walang salin sa ano mang linguahe.
Ito ay hindi parin nagagamit bilang pangalan ng nilikha, tao, hayop o bagay saan mang panig ng mundo, anumang linguahe at lahi.
Ito ay walang salin sa ano mang linguahe.
Ito ay hindi parin nagagamit bilang pangalan ng nilikha, tao, hayop o bagay saan mang panig ng mundo, anumang linguahe at lahi.
Ito ay hindi rin nararapat na isalin sa salitang Diyos o God, sapagkat sa wikang arabik, meron pong katapat na salita ang Diyos o God at ito ay ang ILAH.
Ito rin ay walang pang maramihan anyo katulad ng God na Gods kung pangmaramihan.
Wala rin itong kasarian katulad ng God pag lalaki at Goddess kung babae naman.
Wala rin itong kasarian katulad ng God pag lalaki at Goddess kung babae naman.
Sa Qur’an nababangit ba ang Pangalan ni Allah?
Napakaraming ayaah sa maluwalhating Qur’an na binabangit ang Pangalan ni Allah.
Isang halimbawa nito ay ang Surah al-Ikhlas na sya ring nagbibigay linaw sa atin kung ano ang tunay katangian ng Diyos na dapat sambahin.
Sûrat Al-Ikhlâs
{Ang Kadalisayan}
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Sabihin mo, O Muhammad: “Siya ang Allâh na ‘Ahad’ – Bukod-Tangi na ang pagsamba ay para lamang sa Kanya, na wala Siyang katambal na kahit na sinuman.
2. “Ang Allâh ay ‘As-Samad’ – ang Bukod-Tangi na inaasahan ng Kanyang mga nilikha sa lahat ng kanilang pangangailangan, Ganap, walang kakulangan at walang pangangailangan.
3. “Kailanman ay hindi Siya nagkaroon ng anak at kailanman ay hindi Siya ipinanganak at wala Siyang asawa.
4. “At kailanman ay walang maihahalintulad sa Kanya, sa Kanyang Pangalan, sa Kanyang mga Katangian at sa Kanyang mga Gawain, na luwalhati sa Kanya na Kataas-Taasan.”

0 comments:
Post a Comment