Ipinadala ng ALLAH ang Kanyang mga sugo tulad nina Propeta Nuh, Ibrahim,Musa,Esa (Hesus) at iba pa sa kanila at ipinanaog sa kanila ang mga Banal na Kasulatan tulad ng Taurah, Injil, Zaboor at iba pa upang anyayahan ang sangkatauhan sa pagsamba sa nag-iisang Diyos, ang ALLAH, ng walang halong pagtatambal, at ipamalita sa kanila (sangkatauhan) na ang ALLAH ang taging nag-iisang Diyos ng buong santinaklupan. Sila (mga Propeta) ang nagpaliwanag sa mga kautosan, sila rin ang unang gumanap sa mga ito . At tinuldukan ng ALLAH ang lahat ng mga sugo sa katauhan ng Propeta Muhammad at ibinaba ang Qur’an upang ibalik ang mga nagkawalang kautusan na pinangahasan at pinalitan ng mga tao at ito ang huling kasulatan para sa sangkatauhan mula sa Dakilang manlilikha, ang ALLAH. Kaya’t nararapat ang lahat ng pagsamba sa ALLAH ay iayon sa turo ng Qur’an at ng Sunnah ng Propeta Muhammad.
0 comments:
Post a Comment