Ang paniniwala sa mga Aklat na ipinanaog


Ang Allah ay hindi hinayaang mamuhay ang sangkataohan ng wala man lang gabay. Kaya naman Siya ay nagpadala ng mga aklat o rebelasyon sa kanyang mga sugo at propeta. Subalit pag lipas ng panahon, sumasama rin itong mawala kasama ng mga propetang may dala ng mga ito at hindi napanatali sa orihinal nitong anyo at nilalaman. Ang mga ito ay ang:
Suhuf oKalatas o scroll na naipahayag kay Abraham
Torah o Tawrat na naipahayag kay Moses
Zabur o Psalmo na naipayahag kay David
Injeel o Ebanghelyo na naipahayag kay Hesus
Subalit mahabagin parin ang Allah at ipinadala Niya ang Huling Kapahayagan na tinatawag na Al-Qur’an.
Ang tanging aklat na napanatili sa orihinal nitong anyo at linguahe dahil ito ay isinaulo at isinabuhay ng mga naunang mga muslim.

0 comments:

Post a Comment