Ang ALLAH ang nagtakda sa bawat nilalang ng kamatayan (wakas), Siya ang nagtakda ng Kamatayan upang wakasan ang buhay ng bawat nilalang dito sa mundo at muling bubuhayin ng ALLAH ang lahat ng nilikha mula sa kani-kanilang libingan upang humarap sa hukoman ng ALLAH at kanilang kamtan ang karampatang gantimpala o parusa sa kanilang mga ginawa dito sa mundo. Ang araw na yon ay araw ng muling pagkabuhay para lasapin ng bawat nilikha ang kanilang gantimla mula sa ALLAH na naghihintay sa kanila bilang ganti sa kanilang mga ginawang mabuti dito sa mundo at makakamtan ng gumagawa ng kasalanan ang mahapding parusa mula sa ALLAH bilang ganti sa mga kasalanang kanilang nagawa dito sa mundo. Bubuhayin muli ng ALLAH ang lahat ng nilikha kagaya ng unang paglikha sa kanila.
0 comments:
Post a Comment