Tawheed




Ang Kahalagahan ng Pagkakaunawa sa Tawheed (Islamikong Monoteismo):
 Ang Islam ay may limang haligi, ang Tawheed bilang unang haligi ng Islam (ang ibang 4 ay ang: Salah, Zakah, Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadan at Hajj). Ito ang haliging mag-aalis sa inyo sa kadiliman patungo sa kaliwanagan, sa pagiging hindi mananampalataya patungo sa pagiging isang naniniwala. Hindi ka magiging tunay na Muslim kung hindi mo tuwirang nauunawaan at naipapamuhay ang haliging ito ng tama. Bilang halimbawa, kung ang isang hindi-Muslim ay nagsagawa ng Salah (ng isang Muslim), o Nag-ayuno ng buwan ng Ramadan o dili naman kaya ay nagsagawa ng Hajj; alinman dito ay hindi niya mapapakinabangan, dahil mali naman ang kanyang paniniwala. Ganundin naman, kung hindi tama ang paniniwala ng isang Muslim (ipinamuhay ang Tawheed ng tama), ang kanyang Salah, Sawm o Hajj ay wala ring halaga. Dito ay makikita natin ang kahalagahan kung bakit kinakailangang nauunawaan natin ang mga prinsipyong ito ng paniniwala. Maaari ninyong matagpuan ang salitang Tawheed sa pagkakasulat na Tauheed sa ilang mga aklat.
Ang Kahulugan ng Tawheed:
Ang Tawheed ay nanggaling sa salitang Arabic na” wahhada” na ang ibig sabihin ay panatiliing nag-iisa, pag-isahin o gawing isa. Ngunit kapag ang terminong Tawheed ay ginamit patungkol sa Allah (Tawheedullah, Kaisahan ng Allah), ayon sa Islamikong paniniwala, ang ibig sabihin nito ay ang pagpapanatili ng kaisahan nang Allah sa lahat ng gawain ng mga tao; direkta man o hindi direktang umuugnay sa Allah. Ito ay ang paniniwala na ang Allah ay isa, walang katambal sa Kanyang Kapangyarihan at sa Kanyang Gawain (Ruboobeeyah), nag-iisa at walang katulad sa Kanyang Esensiya, Pangalan at Katangian (Asma was-Sifaat) at ang nag-iisa at walang karibal sa Kanyang Dibinidad at sa Pagsamba (Ulooheeyah/ Ebaaadah).

Sinabi ng Allaah :

At ang iyong Ilâh (Diyos) ay Isang Ilâh

Walang sinuman ang may karapatang
Sambahin kundi Siya lamang,
Ang Pinakamaawain, Pinakamahabagin
{Surah Al-Baqarah (2), ayah 163}

 ]وَإِلَـَهُكُمْ إِلَـَهٌ وَاحِدٌ لاّ إِلَـَهَ إِلاّ هُوَ الرّحْمَـَنُ الرّحِيمُ [

Ang Salitang Tawheed ay isang terminong hindi mula sa Qur’aan o Sunnah. Magkaganunpaman, ito ang terminong ginamit upang tukuyin at sakupin ang aspeto ng paniniwala sa Allaah, mula pa noong panahon ni ibn Abbas (kalugdan nawa siya ng Allaah). Dapat namabatid ninuman na ang kabuuan ng Banal na Qur’aan ay tungkol sa Tawheed, ang kahalagahan at ang gantimpala para dito.
Kalimitan, ang terminong Tawheed ay ginagamit at inaangkin ng ibang mga sekta na nag-aangking sila ay nasa loob ng Islam. Lahat ay nag-aangkin na nasa sa kanila ang Tawheed. Subalit ang natatanging tunay na Tawheed ay ang siyang itinuro ng Propeta Muhammad(e) sa kanyang mga kasamahan na naitala at nakarating sa ating kapanahunan.
Isang mainam na pamamaraan sa pag-aaral ng Tawheed ay ang hatiin ito sa tatlong kategorya:
1.      Tawheed-ar-Ruboobiyyah (“Pagpapanatili sa Kaisahan ng Pagiging Panginoon”)
Ito ay ang paniniwala sa Kaisahan ng Allaah na tumutukoy sa Kanyang mga gawain, katulad nang Kanyang pagiging natatanging Tagapaglikha, Tagapagpanukala at Tagapagtustos ng lahat ng Kanyang mga nilikha.
2.      Tawheed-al-Uloohiyyah (Ibadah) (“Pagpapanatili sa Kaisahan ng Pagsamba sa Allaah”)
Ito ay nangangahulugan na lahat ng uri ng pagsamba ay nararapat na sa Allaah lamang ididirekta at Siya lamang ang Siyang natatanging may karapatang pag-ukulan ng lahat ng uri ng pagsamba.
3.      Tawheed-al-Asma was-Sifaat (“Pagpapanatili sa Kaisahan ng mga Pangalan at Katangian ng Allaah”)
Ito ay tumutukoy sa paniniwala sa lahat ng mga Pangalan at Katangian ng Allaah na nabanggit sa Banal na Qur’aan at ahadith, na natatanging nababagay lamang sa Kanya at ng walang pagtanggi sa mga ito, walang pagbabago ng kahulugan, ang pag-unawa sa mga ito sa antropomorpikong paniniwala (ang gawain na pagbibigay ng makataong anyo o karakter sa Diyos o hayop) o unawain ang mga ito na may hugis at anyo.
Ang pagkakahati ng Tawheed sa mga kategoryang nabanggit ay hindi isinagawa ng Propeta (e) maging ng kanyang mga kasamahan, dahil noong kanilang kapanahunan, ang pag-aanalisa sa pinakapangunahing prinsipyo ng paniniwala sa ganitong kaparaanan ay hindi kinakailangan. Magkaganunpaman, ang pinaka pundasyon ng mga sangkap ng Tawheed ay nakapaloob na lahat sa mga bersikulo ng Qur’aan at sa mga kapaliwanagan ng Propeta (e) at ng kanyang mga kasamahan.
1. Tawheed ar-Ruboobiyyah (Kaisahan ng Allaah sa Pagiging Natatanging Panginoon ng lahat ng mga nilikha): -

Ruboobiyyah- terminong tumutukoy sa pagiging Natatanging Tagapaglikha at pagiging Hari ng Allaah sa lahat ng mga nilikha, sa langit man o sa lupa at sa lahat ng mga bagay na nakapaloob sa pagitan ng langit at lupa. Ang verb na “rabba” at ang pangngalang  “Rabb” na maling naisalin bilang “Panginoon”, ay kinuha sa salitang ito na nangangahulugang, “kalingain, alagaan, likhain at tipunin ang lahat ng mga elementong kinakailangan sa kagalingan at pagkakaroon ng buhay ng isang bagay o sinuman”. Ang mga sumusunod ay mga aspeto ng Rubbobiyyah:

I.                     AL KHALQ الخلَق (pagiging malikhain),

II.                    ALMULK الملُك (pagmamay-ari) at

III.                  ALAMR الأمر (pag-aatas at pamamahala). Sinabi ng Allaah:


Tunay na ang iyong Rabb ay ang Allaah, na Siyang lumikha ng kalangitan at ng kalupaan sa loob ng anim na araw, at pagkatapos siya ay pumaibabaw sa Kanyang Trono (sa pamamaraang umaayon sa Kanyang Kamaharlikahan). Sinanhi Niya ang gabi bilang panakip sa araw, at Siya ang lumikha sa araw, buwan, mga bituin, ang lahat ay sumusunod sa Kanyang kautusan.Katotohanan na sa Kanya lamang ang paglikha at pag-aatas. Purihin ang Allaah, ang Rabb ng Al-Alamin (lahat ng mga nilikha)

{Surah Al-A'raf (7), ayah 54}

Ang Tawheed ar-Ruboobiyyah ay ang paniniwala na ang Allaah lamang ang natatanging Rabb na Tagapaglikha, at Siyang nagtatangan ng mga gawain ng Kanyang mga nilikha, Siya lamang ang bumubuhay sa patay, at ang natatanging nagsasanhi ng kamatayan at natatanging Tagapagbigay ng mga biyaya at nagpoproteksiyon laban sa kasamaan. Walang anumang bagay ang mangyayari o magaganap sa Kanyang mga nilikha maliban na lamang kung ito ay Kanyang pinahintulutan. At bilang pagkilala sakatotohanang ito, malimit na sinasabi ng Propeta Mohammad (e) ang mga katagang: Walang anumang galaw, pangyayari o kapangyarihan maliban sa kapahintulutan ng Allaah

Ang basehan o Daleel (ebidensiya at katibayan) sa kategoryang ito ng Tawheed ay matatagpuan sa maraming ayaah ng Qur’aan.

Sinabi ng Allaah:
Ang Allaah ang Siyang Tagapaglikha ng lahat ng mga bagay, at Siya ang Wakeel (Tagapangalaga) sa lahat ng mga bagay . 
{Surah Az-Zumar (39), ayah 62}


 Iyan ang Allaah, ang iyong Rabb, walangsinuman ang may karapatang sambahin mali-ban sa Kanya, ang Tagapaglikha ng lahat ngmga bagay. Kaya Siya lamang ang sambahin
at Siya ang Wakeel (Tagapangalaga) sa lahat
ng mga bagay.
{Surah Al-An'am (6), ayah 102}
Ang Allaah ang Siyang kumukontrol at nagpapahintulot sa lahat ng mga kaganapan, mabuti man ito o masama. Kung nais nating maiwasan ang mga masamang pangyayari o dili kaya ay magtamo ng mga kabutihan o swerte sa buhay, nararapat lamang na sa Kanya lamang tayo haharap, mananalangin at hihingi ng tulong. Subalit marami pa ring mga tao ang sumisira ng bahaging ito ng Tawheed sapamamagitan ng pag-asa na lamang sa mga nilikhang bagay na tinatawag nilang good luck charms upang magbigay sa kanila ng kabutihan at makaiwas sa mga kasamaan o kamalasan. Ang paniniwala sa good-luck charms, agimat o anting-anting tulad ng paa ng kuneho, mga wishbones, o dili kaya ay paniniwala sa mga pamahiin ay isang napakalaking kasalanan na tumataliwas at kumukontra saTawheed ar-Ruboobiyyah.
Mga Bagong Salita at Ekspresyon

(e)                           ito ay nangangahulugan – Ang Kapayapaan at
Biyaya ng Allaah ay mapasakanya
Ito ay laging sinasabi, binabanggit o isinusulat pagkatapos na mabanggit, matukoy o maisulat ang Propeta Muhammad. Ang Arabic transliteration: “Sallallahu alayhi wasallam”. May mga librong isinusulat lamang ito bilang ‘PBUH’ na tumatayo sa, peace be upon him. Ang iba naman ay ‘SAW’, na pina-ikling the Arabic transliteration sa English.SNK na sa Tagalog, Sumakanya Nawa ang Kapayapaan

(2:45)                         ito ay reperensiya sa Qur’aan: Surah (Kabanata-2), ayah (bersikulo) 45. Ang Surah na nabanggit sa araling ito ay ang: al-A'raf; az-Zumar; al-An’am.
(Gamitin ang inyong Qur’aan, at hanapin ang mga reperensiyang nabanggit sa araling ito).
(Muslim)                   Ang Iskolar ng nagsalaysay at nangolekta ng mga kasabihan, kawikaan o hadith ng Propeta (e). Ito ay kalimitang makikitang nakasulat sa hulihan ng hadith.
Ahadith                     Maraming mga hadith. Mga sinalita, ibinalita, kawikaan, gawain at pinahintulutan ng Propeta (e)
Allaah                       Ang Natatanging Tunay na Diyos na Tagapaglikha
Asma was Sifaat     Kategorya ng Tawheed: Pagpapanatili sa- Asma = mga Pangalan ng Allaah; Sifaat = Katangian ng Allah.
Ay’at                          Mga Bersikulo mula sa  Qur’aan. Ayah (isahan).
Daleel                                    Katibayan / Ebidensiya
Hajj                             Ikalimang haligi ng Islam.
Ibadah                      Ang salitang ginagamit sa lahat ng uri ng pagsamba
Muhammad                       Ang HulingPropeta (e) na isinugo nang Allaah
Qur’aan                    Ang Banal na Aklat mula sa Allaah na ipinahayag Niya kay Muhammad (e), na dapat sundin ng mga Muslim.
Rabb                          Panginooon, Nagmamay-ari (kabilang sa  magagandang pangalan ng Allaah). Binibigkas bilang Rubb
Ruboobiyyah          Kategorya ng Tawheed: Pagpapanatili sa Kaisahan ng  Pagiging Panginoon.
Salah                         Ikalawang Haligi ng Islam - Pagdarasal.
Siyam                        Ika-apat na Haligi ng Islam – Pag-aayuno sa buwan ng Ramadaan.
Sunnah                     Ang literal na kahulugan ay legal na pamamaraan o gawi, atas, akto ng pagsamba at mga ipinahayag  atbp. ng Prophet Muhammad (e) na naging modelong dapat na ipamuhay ng mga Muslim. Kabilang dito ang mga isinalaysay at isinagawa ng Prophet Muhammad (e) ganundin ang mga bagay na kanyang pinahintulutan at mga pinagbawal.
Surah                         Kabanata mula sa Qur’aan.
Tawheed                  Panatiliing nag-iisa at natatangi ang Allaah sa ating pagsamba, pagmamahal at pagpapasakop sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga batas at sa pagsasabuhay ng mga ito sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
Uloohiyyah              Kategorya ng Tawheed: Pagpapanatili sa Kaisahan ng Pagsamba sa Allaah .
Wahhada                 panatiliing nag-iisa, pag-isahin, gawing isa
Zakah                        Ikatlong haligi ng Islam – Buwis na kinukuha sa mga mayayamang Muslim. Karapatan ng mahirap sa mayaman.
Isang mainam na pamamaraan sa pag-aaral ng Tawheed ay ang hatiin ito sa tatlong kategorya:

1.      Tawheed-ar-Ruboobiyyah (“Pagpapanatili sa Kaisahan ng Pagiging Panginoon”)

Ito ay ang paniniwala sa Kaisahan ng Allaah na tumutukoy sa Kanyang mga gawain, katulad nang Kanyang pagiging natatanging Tagapaglikha, Tagapagpanukala at Tagapagtustos ng lahat ng Kanyang mga nilikha.

Natalakay na sa nagdaang aralin.

2.      Tawheed-al-Uloohiyyah (Ibadah) (“Pagpapanatili sa Kaisahan ng Pagsamba sa Allaah”)

Ito ay nangangahulugan na lahat ng uri ng pagsamba ay nararapat na sa Allaah lamang ididirekta at Siya lamang ang Siyang natatanging may karapatang pag-ukulan ng lahat ng uri ng pagsamba.

3.      Tawheed-al-Asma was-Sifaat (“Pagpapanatili sa Kaisahan ng mga Pangalan at Katangian ng Allaah”)

Ito ay tumutukoy sa paniniwala sa lahat ng mga Pangalan at Katangian ng Allaah na nabanggit sa Banal na Qur’aan at ahadith, na natatanging nababagay lamang sa Kanya at ng walang pagtanggi sa mga ito, walang pagbabago ng kahulugan, ang pag-unawa sa mga ito sa antropomorpikong paniniwala (ang gawain na pagbibigay ng makataong anyo o karakter sa Diyos o hayop)o unawain ang mga ito na may hugis at anyo.


2.Tawheed al-Uloohiyyah (kaisahan ng Allaah sa pagsamba): -

Ang Uloohiyyah ay terminong nagsasaad na ang Allaah ay ang natatanging dapat na pag-ukulan ng lahat ng uri ng pagsamba, kahit na ito ay gawain o damdamin ng puso, salita, pahayag at ang gawain ng lahat ng parte ng katawan ng isang tao. Ang salitang Ilah ay kinuha sa kahulugang ito: ang isa na minamahal, sinasamba o hinihingian ng tulong at hinaharapan sa oras ng pananalangin. Walang sinuman o anuman maliban sa Allaah ang may karapatang pag-ukulan ng mga ito kahit na siya ay isang anghel, isang Propeta, Mensahero, matuwid at mabuting tao; at ito ang kahulugan ng testimonyang“Laa ilaaha illallaha (Walang sinuman ang may karatapang sambahin maliban sa Allaah)

At dahil sa Tawheed na ito, isinugo ng Allaah ang mga propeta at mensahero. Sinabi ng Allaah:

Katotohanan. Ipinadala Namin sa bawat Ummah (komunidad/ nasyon) ang Mensahero na nagpapahayag:: Sambahin lamang ang Allaah, at umiwas sa Tâghut (mga bagay na walang karapatang sambahin- huwag maglagay ng katambal sa Allaah sa pagsamba).
{Surah An-Nahl (16), part of ayah 36}

Kahit na malawak ang implikasyon nang dalawang kategorya ng Tawheed, ang mahigpit na paniniwala dito ay hindi sapat para punuan ang Islamikong pangangailangan ng Tawheed. Ang pinaka-importanteng aspeto ng Tawheed ay ang Tawheed Al-Ebaadah (Uloohiyyah), ang pagpapanatili nang kaisahan sa pagsamba sa Allah. Lahat ng uri ng pagsamba ay dapat na idirekta sa Allah dahil Siya lamang ang may karapatang sambahin, at Siya lamang ang maaring makapagbigay ng benipisyo sa tao bilang resulta ng pagsamba sa Kanya.

Kinumpirma ng mga pagano noong panahon ng Propeta (e) ang maraming aspeto ng dalawang kategorya ng Tawheed, subalit sila ay nanatili pa rin sa kalagayan ng pagiging Kufr (walang paniniwala) at wala sa loob ng Islam dahil sa kanilang pagtanggi sa Tawheed al-Uloohiyyah. Sinabi ng Allaah:

At kung sila ay tatanungin mo kung sino ang lumikha sa kanila, walang pag-aalinlangan na sasabihin nila, ang Allaah. Kaya paanong sila ay naligaw (mula sa pagsamba lamang sa Allaah, na Siyang lumikha sa kanila)?

{Surah Az-Zukhruf (43), ayah 87}
At kung tatanungin mo sila: Sino ang nagbababa ng tubig (ulan) mula sa kalangitan, at nagbibigay ng buhay sa daigdig pagkatapos nitong mamatay? Walang pag-aalinlangang kanilang sasabihin: ang Allaah. Sabihin: ang lahat ng parangal at papuri ay para lamang sa Allaah.! Subalit, karamihan sa kanila ay walang pang-unawa.. {Surah Al-Ankaboot (29), ayah 63}

Tinanggihan ng mga pagano ang pagsasabi at pagsasabuhay ng Testimonya ng Paniniwala, dahil batid nilang ang pagbanggit at pagsasabuhay nito ay ang pagtanggi sa mga diyus-diyosan na kanilang sinasamba.
Ang pagsamba o Ebaadah sa pananaw ng Islam; ay hindi lamang nakapaloob sa mga ritwal katulad ng siyam, salah, atbp. Kabilang din dito ang mga emosyong tulad ng pagmamahal, pagtitiwala at pagkatakot, ang lahat ay mayroong kanya-kanyang taas at antas, nadapat ay sa Allaah lamang natin ididirekta. Ang Allaah ay nagpahayag ukol sa mga emosyong ito at nagbabala mula sa mga kalabisan sa mga ito:
At mayroon sa sangkatauhan ang sumasamba at naglalagay ng katambal sa pagsamba sa Allaah. Mahal nila ang ito katulad ng pagmamahal nila sa Allaah. Subalit yaong tunayna mananampalataya, minamahal nila ang Allaah nang higit pa sa anumang mga bagay at nilikha. Kung makikita lamang sana ng mga yaong gumagawa ng katampalasanan ang kaparusahan, na ang lahat ng kapangyarihan ay sa Allaah lamang, at ang Allaah ay masidhi kung magparusa.
{Surah Al-Baqarah (2), ayah 165}
 Hindi mo ba lalabanan ang mga taong nagtalusira sa kanilang pangako at sumpa (mga pagano ng Makkah) at naglayong palayasin ang Mensahero samantalang sila naman ang naunang umatake sa inyo? Natatakot ba kayo sa kanila? Ang Allaah ang mas higit na may karapatang katakutan kung kayo ay tunay na mga mananampalataya.Surah At-Taubah (9), ayah 13

3. Tawheed al-Asmaa’ was-Sifaat (Kaisahan ng Allaah sa Kanyang mga Pangalan at Katangian):

Sa kadahilanang ang Allaah ang Pinakadakila, ang Kanyang mga Pangalan at Katangian ay katangi-tangi at tinatawag na al-Asmaa al-Husnaa (Ang Pinakamagagandang mga Pangalan). Sinabi ng Allaah:

 Siya ang Allaah, walang sinuman ang may karapatang sambahin maliban sa Kanya. Pag-aari Niya ang Pinakamagagandang mga Pangalan..
{Surah Ta-Ha (20), ayah 8}
Ang Tawheed al-Asmaa was-Sifaat ay ang paniniwala at pagpapatotoo sa lahat ng mga pangalan at katangian na pinatotohanan ng Allaah sa Kanyang Sarili, sa Qur’aan man ito o sa Sunnah ng Kanyang Propeta e;at ang pagpapakilala sa Allaah sa pamamagitan ng mga pangalan at katangiang nabanggit ng walang tahreef (pagbabago ng kahulugan), ta’teel (pagtanggi sa mga ito), takyeef(pagbibigay ng anyo o larawan), o tamztheel (paghahalintulad sa Kanyang mga nilikha).
Upang higit na maunawaan ang kategoryang ito ng Tawheed, ang mga sumusunod na panuntunan ay dapat na isaalang-alang:

1. Upang ang kaisahan ng Allaah sa Kanyang mga Pangalan at Katangian ay mapanatili sa unang aspeto, dapat na kilalanin ang Allaah sa pamamaraan kung papaano Niya at ng Kanyang Propeta (e) ipinakilala ang Kanyang mga Pangalan at Katangian nang walang pagbabago ng kahulugan ng mga ito (tahreef). Hindi rin marapat na bigyan natin ng bagong pangalan at katangian ang Allaah. Bilang halimbawa, sinabi ng Allaah:

Nakita mo ba (O Muhammad e) yaong mga ipokrito na nagtuturing bilang kanilang mga kaibigan yaong mga nagtamo ng Galit ng Allaah (hal. Mga Hudyo)? Sila ayhindi kabilang sa inyo, ni kabilang nila (Hudyo), at sila ay sumusumpa ng kasinungalingan kahit na ito ay batid nila.

{Surah Al-Mujadilah (58), ayah 14}

Kaya ang galit ay isa sa mga katangian ng Allaah. Kung babalikan natin ang unang panuntunan, hindi matuwid na sabihing ang Kanyang Galit ay nangangahulugan ng Kanyang Kaparusahan, dahil ang galit ay tanda ng kahinaan sa mga tao, kaya hindi karapat-dapat na iugnay natin sa ating Tagapaglikha. Kung ano ang ipinahayag nang Allaah ay dapat na tanggapin at paniwalaan sa pagkakabatid at pagkakaunawang ang Kanyang galit ay hindi katulad ng sa mga tao, ito ay base sa ipinahayag ng Allaah:

Walang maihahambing at maihahalintulad sa Kanya, at Siya ang Walang Hanggang Nakaririnig at Nakakikita..

{Surah Ash-Shura (42), part of ayah 11}

2. Ang katotohanan na ang pagkakatulad lamang sa pagitan ng mga katangian ng Allaah at nang sa sangkatauhan ay sa pangalan lamang at hindi sa antas, kaya ang mga pangalan at katangian ng Allaah ay dapat na maunawaan sa pinakakapuri-puri at dakilang pagkilala, ligtas sa anumang kahinaan sa katangian ng mga tao (tamztheel). Hindi rin marapat na bigyan natin ng pangalan ang Allaah bilang al-Gaadib (Ang Isang Nagagalit), kahit pa nga sinabi Niya na Siya ay nagagalit, dahil kailanman ay hindi ito ginamit nang Allaah o nang Kanyang Propeta.

3. Sa kadahilanang malaking kamalian ang itatwa o tanggihan (ta’teel) ang alinman sa mga Pangalan at Katangian ng Allaah na sinusugan at pinatotohanan ng Qur’aan at Sunnah, hindi rin tama na bigyan ng anyo, hugis at larawan ang Kanyang mga Pangalan at Katangian (takyeef). Ang pagtanggi sa alinmang Pangalan at Katangian na pinatotohanan ng Qur’aan at Sunnah ay isang seryosong bagay dahil ito ang magsasanhi upang ang isa ay lumabas sa hangganan ng Islam. Ganundin naman, ang subukang ipaliwanag kungpapaano ang mga Pangalan at Katangian ng Allaah o pagbibigay sa Kanya ng larawan ay isa ring mabigat na kasalanan. Bilang mga tao ay wala tayong kakayahang ilarawan ang ating Tagapaglikha, at ito ay taliwas sa Tawheed al-Asmaa’ was-Sifaat.

4.                  Ang pang-apat na panuntunan upang mapanatili ang Al-Asma was-sifaat ng Allah, ang direkta o eksaktong pangalan ng Allah ay hindi pwedeng ipangalan sa Kanyang mga nilikha, maliban kung ito ay lalagyan ng unlaping “Abd” na ang ibig sabihin ay alipin o alagad. Kaya naman ang mga pangalang “Abdur-Rasool” (alipin ng Mensahero), “Abdun-Nabee” (alipin ng Propeta), atbp., kung saan ipinapangalan ng mga tao na alipin ng iba maliban sa Allaah ay mahigpit na ipinagbabawal.

Mga Bagong Salita at Ekspresyon


Abd                            Alipin.
Kufr                             Hindi paniniwala sa kato
 Ang Testimonya ng Pananampalataya (Shahadah):

Ang Tawheed ay nagsisimula at nakapaloob sa Testimonya ng Pananampalataya (Shahadah):

أَشْهَدُ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلاَّ الله
وَ أَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّداً عَبْدُهُ وَ رَسُولُهُ 

“Ash-hadu ala ilaha il-lal-lah,
wa ash-hadu anna muhammadan abduhu wa rasooluh”

Ako tumitestigo na walang sinuman ang may karatapang sambahin maliban sa Allah, At ako ay tumitestigo na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo.

Ang testimonya ng pananampalataya ay kinapapalooban ng kumbinasyong pagtanggi at pagkumpirma. Una muna ang pagtanggi nasusundan ng pagpapatotoo at pagkumpirma. Kaya ang Shahadah  ay nangangahulugang: Walang sinuman ang may karapatang pag-ukulan ng lahat ng uri ng pagsamba at walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allaah, Siya at Siya lamang.

Batid ng mga Muslim na ang susi sa Paraiso ay ang mga katagang: “Walang sinumang ang may karapatang sambahin maliban sa Allaah”. Subalit karamihan sa mga Muslim ay umaasa lamang sa mga katagang ito at naniniwalang habang ito ay dala-dala at kabisado nila, walang masamang mangyayari sa kanila. Dahil sa pagsambit ng katagang ito ng Shahadah, iniisip nila na sila ay karapat-dapat nang tanggapin at patirahin sa Paraiso. Subalit dapat nilang mabatid na ang simpleng pagkakasambit at pagkakasabi nito ay hindi sapat upang sila ay makaligtas sa naglalagablab na Apoy ng Impiyerno. Sa katotohanan, sinasabi ng mga ipokrito, “Ako ay tumitestigo na walang sinuman ang may karapatang sambahin maliban sa Allaah, subalit isinalarawan pa rin sila ng Allaah bilang mga sinungaling at sinabing sila ay maninirahan at mananatili sa pinakakailaliman ng Impiyerno.

Ganundin naman, ang testimonya ng pananampalataya ay nag-aalis at nagtatatwa ng anumang dibinong katangian sa kaninumang nilikha o anumang bagay maliban sa Allaah, at ang pagkumpirma at pagpapatunay na ang dibinong katangian ay para lamang sa Allaah. Ang ikalawang bahagi ng testimonya ay ang pagpapatunay at pagpapatotoo na walang sinuman ang may karapatang sundin pagkatapos ng pagsunod sa Allaah, kundi ang Kanyang piniling Propeta, ang Propeta Muhammad (e), dahil sa siya ang pinakahuling Propeta at Mensahero.

Mga Kondisyon ng Shahadah (Testimonya ng Pananampalataya):

Ang Shahadah ay mayroong mga kondisyon na dapat ay maipatupad at maipamuhay upang siya ay maging kalugod-lugod at kasiya-siya sa Allaah sa Araw ng Paghuhukom. Ang mga ito ay:

1.                  Kaalaman, na sa kabuuan ay ang pagkakilala sa Allaah bilang natatanging tunay na Diyos, kung kanino ang lahat ng uri ng pagsamba ay dapat na igawad at ilaan, at ang pagtanggi at pagtatwa sa mga diyus-diyosan na sinasamba bilang katambal ng Allaah. Na ang mga diyus-diyosang ito, sa katotohanan ay walang anumang magagawang kabutihan o kasamaan.

2.                  Katiyakan, na ang paniniwala sa Allaah ay walang bahid ng anumang pag-aalinlangan o pagdududa.

3.      Pagtanggap, ito ay ang pagtanggap sa lahat ng mga kondisyon ng Shahadah.

4.      Pagsuko at Pagpapasakop -ay ang pagsasagawa ng mga kondisyon ng may pagpapasakop at pagsuko sa Allah sa pisikal o espiritual na aspeto ng isang tao. Ito ay ang pagiging kontento na ang Allaah ang kanyang Rabb (Tanging Panginoon), si Mohammad (e) ang Kanyang Huling Sugo at Mensahero.

5.      Pagiging Makatotohanan, Ito ay ang pagiging makatotohanan sa pagtestigo ng Shahadah at sa pagsunod sa mga Sunnah ng Propeta Muhammadr. Ito ay ang pagiging makatotohanan ng isang tao sa lahat ng kanyang kilos o galaw na walang bahid ng anumang pagbabalatkayo.

6.      Katapatan at Kawagasan, ito ay ang pagiging tapat at wagas sa pagsamba sa Allaah, na ang lahat ng uri ng pagsamba ay tapat na para lamang sa Kanya.

7.      Pag-ibig at Pagmamahal – ito ay ang pagmamahal sa Shahadah, sa kahulugan at sa mga batas na ipinag-uutos nito, ang pagmamahal ng labis sa Allah at sa Kanyang Sugor. Mamahalin ang mga bagay na kalugod-lugod at kaibig-ibig sa paningin ng Allah [Lugar: Makkah, Madinah, mga Mosque; Panahon: Ramadhan, unang 10 araw ng Dhul-Hijjah atbp.; mga nilikha: mga propeta, sugo, anghel, matatapat at matutuwid na tao, atbp.; uri ng pagsamba: Salah, pagbibigay ng Zakah, pag-aayuno at pagsasagawa ng Hajj.; salita: pagbigkas ng Dhikr (panalangin) at pagbasa ng Qur’an.].


At panghuli, dapat na ilagay ng bawat isa sa kani-kanilang mga kaisipan na ang Allaah ay kinakailangang masunod sa pamamagitan ng pagsunod at pagsasabuhay ng Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga bagay na Kanyang ipinagbabawal. Ang pagiging masunurin sa Allaah ay kinakailangang may kaakibat na pagmamahal sa Kanya, pagkatakot sa Kanyang kaparusahan at pag-asam sa Kanyang gantimpala at kapatawaran at ang pananatili sa mga katuruan ng Kanyang Propeta Muhammad (e) na siyang pinakahuling sugo nang Allaah at ang pagsasabuhay ng Kanyang Shari’ah (mga batas at mga gawaing may kinalaman sa relihiyon), na nagpapawalang-bisa sa mga naunang batas, gawain at katuruan.

Ang Pagsira o paglabag sa Shahadah :
Sinuman ang tuwirang nakababatid at nakaaalam at ninasang labagin o sirain ang Shahadah ay naging walang pananampalataya. Upang mabatid kung nalabag ba o hindi ang Shahadah, kinakailangan munang malaman at mabatid ang tunay na kahulugan ng “Laa illaha illallah”. Ang salitang ilah ay nangangahulugan nang anumang bagay na itinuturing na diyos (na sinasamba). Maraming mga uri ng diyos, katulad ng binanggit ng Allaah sa Qur’aan tungkol sa iba’t ibang uri ng diyos na sinamba ng mga tao. Ngayon, ang tunay na kahulugan ng“Laa illaha illallah” ay hindi: ‘Walang ibang diyos kundi ang Allaah’ na naisalin ng ibang mga aklat, bagkus ito ay dapat na isalin bilang “Walang ibang diyos na may karapatang sambahin maliban sa Allaah”.

Maraming mga tao at uri ng relihiyon ang nagsasabing hindi naman nila sinasamba ang kani-kanilang mga pari o kapag sila ay dumulog o humiling at nanalangin sa iba maliban sa Allaah, sinasabing hindi naman nila ito sinasamba.
 At sinabi ng iyong Panginoon: Manalangin sa Akin, at sasagutin Ko ang iyong panalangin. Katotohanan! Sinuman ang tumanggi sa pagsamba sa Akin, walang pag-aalinlangan na sila ay kahiya-hiyang papasukin sa Impiyerno{Surah Ghafir (40), ayah 60

Ginamit nang Allaah ang salitang pagsamba dito na may kaugnayan sa paghingi at pagdulog sa Kanya, ito ay nangangahulugan na kapag ikaw ay humingi sa Kanya, ito ay pagsamba na. Ganundin naman, kung pinili mong humingi sa iba nang mga bagay na ang Allaah lamang ang makapagbibigay o makagagawa, nangangahulugan ito ng pagsamba sa bagay o sa taong yaon.
Kapag ang isang tao ay sumamba sa iba, katulad ng pagsamba kay Hesus kasabay ng pagsamba sa Allaah, siya ay naging walang pananampalataya. Ganundin, sinuman ang magsalita ng masama laban sa Propeta at sinabing siya ay sinungaling, sinira niya ang ika-2 bahagi ng testimonya ng paniniwala, kaya siya ay hindi na rin maituturing na may paniniwala.

0 comments:

Post a Comment