Saturday, May 3, 2014

Isa sa mga Tao ng Paraiso

*Si Propeta Muhammad(saw) isang araw nagtipon-tipon sila ng kanyang mga sahaba sa loob ng Masjid at siya ay nagsabi…
1.)Propeta Muhammad(saw): “May isang tao na papasok at siya ay isa sa mga tao ng Paraiso.”
*Peru bago pumasok itong sahabi na ito, si Angel Jibreel(as) ay nagpahayag kay Propeta Muhammad(saw), isang revalation na galing kay Allah ta’ala patungkol sa taong ito na siya ay isa sa mga tao ng paraiso., at pumasok nga itong tao na isang taga Ansar. at sa sumunod na araw…*
2.)Propeta Muhammad(saw) ay nagsabi ulit: “May isang tao na papasok at siya ay isa sa mga tao ng Paraiso.”
*At pumasok ang taong ito na taga Ansar, na kung saan siya rin ang taong binanggit sa unang pahayag ni Propeta Muhammad(saw), Sa sumunod na araw,….*
3.)Propeta Muhammad(saw) ay nagsabi ulit: “May isang tao na papasok at siya ay isa sa mga tao ng Paraiso.”
*Tatlong beses binanggit ni Propeta Muhammad(saw) mula sa unang araw hanggang sa pangatlong araw. “Si Abdullah Ibn Amr Bin A’as, ay gusto niyang malaman kung ano ang kakaiba nitong tao na ito, so pinuntahan niya at nakiusap sa taong ito.”*
Abdullah Ibn Amr Bin A’as nagsabi: “may problema kami ng aking Ama at sinabihan ko siya na hindi muna ako uuwi ng bahay ng tatlong araw, maari bang sa iyo muna ako makikitira?”
Sumagot ang taong ito: “Oo naman, tuloy kayo.”
* So Abdullah Ibn Amr Bin A’as ay nagmasid sa kanyang mga ginagawa kung ano ang kakaiba sa kanya, at si Abdullah Ibn Amr Bin A’as, ay umasa na magsasagawa siya ng tahajud, subalit hindi bagkus siya ay natulog, dumating ang salah ng Fajr at nagsalah ng dalawang Ra’at ang taong ito*
At si Abdullah Ibn Amr Bin A’as nagsabi sa kanyang sarili: “magfafasting siguro ito, subalit siya ay nag-agahan!
* Abdullah Ibn Amr Bin A’as ay nag-iisip anong kakaiba sa kanya.*
Abdullah Ibn Amr Bin A’as nagsabi sa kanyang sarili: “Ahhh siguro sa may problema lang siya ngayon at sa susunod na araw may gagawin na itong kakaiba.”
*Dumating ang sumunod na araw at ganon din ang ginawa ng taong ito natulog, at hindi naman nagfasting. At sa sumunod na pangtatlong araw ganon din ang ginawa natulog, at hindi naman nagfasting, Ngayon, si Abdullah Ibn Amr Bin A’as ay nagtataka dahil para sa kanyang sarili natatapos niyang basahin ang Qur’an sa loob ng tatlong araw subalit ang taong ito ay hindi naman, at nakakapagtahajud din siya(Abdullah ibn Amr), ano pa kaya ang kakaiba sa taong ito?. Pinuntahan ni Abdullah Ibn Amr Bin A’as ang taong ito at nagsabi…. *
Abdullah Ibn Amr Bin A’as: “Kapatid, wala naman talaga kaming problema ng aking Ama, gusto ko lang na malaman kung ano ang kakaiba mo pang ginagawa, dahil si Propeta Muhammad(saw) ay nagkwento patungkol sa iyo na ikaw ay isa sa tao ng Paraiso, So maari bang malaman kung ano pa ang kakaiba mong ginagawa, sapagkat sa aking nakita sa iyo ay normal lang I mean walang kakaiba? ”
Siya(Ansar) ay sumagot: Ito ang aking buhay walang kakaiba.
* Abdullah Ibn Amr Bin A’as ay umalis at tinawag siyang muli.*
Siya(Ansar) ay nagsabi: Halika!, walang kakaiba sa akin tulad ng iyong nakita liban sa bago ako matulog, kung sinoman ang nagkasala sa akin na muslim o naiinggit sa akin ay pinapatawag ko.
Abdullah Ibn Amr Bin A’as ay nagsabi sa kanyang sarili: “Ito ang kakaiba o ito ang dahilan!!!”

Comments:
Bilang isang Muslim ito ang ating pakaingatan na magkaroon ng galit o inggit sa kapwa muslim dahil ito ay kakain o papatay sa ating mga mabuting gawa o ating Emaan, pangalagaan tayo ni Allah ta’ala at gawin natin sa abot ng ating makakaya tulad ng ginawa ng isang tao na binanggit ng Rasulollah na nakatalaga sa Jannah.

0 comments:

Post a Comment